Halina’t Purihin

Halina’t purihin dakilang Diyos natin, huwag mahihiya na siya ay sambahin ating ihayag pag-ibig niyang wagas, na walang alinlangan sya’y pasalamatan (repeat)

Walang sawa kitang papupurihan, walang sawa aking ipagdiriwang ang kabutihan mo ang katapatan mo oh Diyos. (repeat)

Iindak at sasayaw ang aking katawan, lulundag at aawit sa iyong kadakilaan, magsasaya magagalak ika’y papupurihan, di ko mapigilan sa tuwa ay sumigaw! (repeat)