Tag Archives: exhort

Exhort in Offering Dec. 22, 2016 Thursday Evening

exhort_offering

Minsan, ang Panginoon po ay nagmamasid ng mga taong naghuhulog ng kani-kanilang mga kaloob sa loob po ng templo, at ang bawat kanilang naihulog ay batid ng ating Panginoon. In fact, hindi nga Niya kinalugdan ang inihulog ng mga mayayaman bagama’t ito’y nangag-lalakihang mga halaga sapagkat alam ng Panginoon na ang kanilang mga inihulog ay bahagi lamang ng kanilang mga kayamanan na kung saan ay hindi na nila ito kailangan, subalit ng lumapit at maghulog ang babaeng balo, alam nating umuwing pinagpala at kinalugdan ng Panginoon ito, sapagkat ang inihulog niya ay BUO na nyang Ikabubuhay, kahit na ito ay dalawang tig si-singkwenta sentimos lamang, dito makikita natin na sa Panginoon, ay hindi pwede ang pwede na, ang ibig ng Panginoon ay yaong pinakamainam o the best na pagbibigay, may masayang puso ng pagkakaloob, hindi napipilitan kundi kusang loob na pagbibigay para sa Panginoon.

At ganito rin po ang ginawa ni Inday, minsan ay nagpaalam sya sa kanyang amo at ang sabi nya, Sir, gagabihin po ako ng uwi ngayon, o bakit naman sagot ng kanyang amo, kasi po umpisa na po ng Sambang Gabi sa aming Church, Sasamba po ako sa aking Diyos na buhay at ipagkakaloob ko na rin po ang aking Ikapu at Love Offering. Pinayagan naman siya ng kanyang amo, lumipas ang ilang araw, pumanaw si sir, at sa hindi sinasadyang pangyayari, nakarating ng langit si sir, doon ay sinalubong sya ni San Pedro, at habang naglalakad sila na nag-uusap, namataan ni sir ang isang malaking mansyon na balot ng dalisay na ginto, at ito’y kanyang itinanong kay san pedro sabi nya, san pedro, kanino po ang malaking mansyon na ito? sumagot si san pedro, ang mansyon na iyan ay walang ibang may ari kundi ang kasambahay mong si inday, ah, nalagay sa isip ni sir na si inday ay kasambahay lamang nya, so maaring mas malaking hindi hamak ang mansyon ni sir kaysa sa mansyon ni inday, at sa patuloy pa nilang paglalakad sa banda roon, sa gawing dulo, nakita ni sir ang isang barong-barong pero hindi balot ng ginto, agad nyang inungkat ang tungkol dito kay san pedro,  wika niya, san pedro, wag nyo pong mamasamain ang pag-tatanong ko, ibig ko pong malaman kung sino ang nag ma-may ari ng barong-barong na ito, tila yata napaka kawawa ang nakatira diyan, tumugon si san pedro at ang wika, ang barong-barong na nakikita mo ay talagang para sa iyo, lumabas ang pagiging batangueño ni sir sabi nya, ala e san pedro bakit po nagkaganun, ala e bakit yung kay inday ay lubhang napakalaki, samantalang ang sa akin ay barong-barong lang hindi pa balot ng ginto? ay bakit po nagkaganun san pedro? Ganito kasi iyon sabi ni san pedro, si inday ay sumasamba sa kanyang diyos na buhay bukod dito, ay pinagkakaloob niya ang kanyang ikapu at love offering ng walang palya, samantalang ikaw naman anya, eh bihira ka na ngang sumamba, at ang ipinagkakaloob mo pa ay bahagi lamang ng iyong kayamanan na hindi mo na kailangan, at kung minsan pa nga kung mag hulog ka ay yung bagay na kumakalansing, kaya anya iyan ang kinalabasan barong-barong lang. hala sige pumasok ka na. Walang nagawa ang kaawa-awang si sir kundi pumasok sa kanyang barong-barong, at nang siya’y pumasok, yung unang hakbang nya ay nag krak ang inaapakan nyang sahig nabutas ito at tuluyang nahulog si sir, at habang siya’y nahuhulog napasigaw siya nang aaahhh aaaahhhh aaaaahhhhh, at siya ay nagising, panaginip lang pala, agad niyang tinawag si inday, INDAY INDAAY INDAAAY halika, pumarini ka madali ka, syang dating naman ni inday at ang sabi, sir bakit po, bakit po? hala ka inday, magbihis ka ngayun din, samahan mo ako sa inyong church, at ipagkakaloob ko na rin ang aking ikapu at love offering, ang iyong Diyos ang sya kong magiging Diyos na tangi kong sasambahin… Aleluya !!! Purihin po ang Panginoon, Purihin ang Diyos !

Kaya dapat po, ay hindi lamang ang ating pagkatao ang may bagong nilalang, ang ipinanganak na muli, dapat po ang ating mga BULSA ay kasamang na born again, sapagkat kung ang ipinagkakaloob po natin ay katulad noong bago natin makilala ang Panginoon, iyong bagay na kumakalansing, ay wala po tayong pinagkaiba sa dati, Ngunit kung ang ipagkakaloob po natin ay yung nararapat, pinaka mainam, pinaka the best na pagkakaloob, may masayang pusong pagbibigay, hindi napipilitan kundi kusang loob, aba mga kapatid ko sa Panginoon, nakatitiyak po tayo na… (awit) My God shall supply all my needs, according to his riches in glory, he will give his angel charge over me, Jesus Christ cares for me (repeat) for me for me, Jesus Christ cares for me.

Prayer :

Ama naming mapagmahal at mapagkalinga, sa pangalan po ni Jesus, sa gabing ito naniniwala po kami na ang lahat po ng naririto ay pinagpala mo na, kasama ang aming mga pami-pamilya, hindi lamang po sa darating na kapaskuhan, sapagkat alam po namin na buhat ng ikaw ay aming tanggapin sa aming mga puso, bilang aming panginoon, araw-araw ay pasko, ang iyong pag-ibig at pagkalinga ay aming nadarama at natatamo, ang iyong pagpapala at mga biyaya sa amin ay lagi nga pong nakalaan, kaya wala na po kaming mahihiling kundi, ikaw ay aming pupurihin at sasambahin, Ama, ito po ang aming dalangin na may pagpapasalamat sa pangalan ni Jesus, ang lahat ng may buhay, ang lahat ng may hininga, at ang lahat ng pinagpala ay sumigaw ng Amen at Amen!